Senator Leila De Lima pinayagan na dumalo sa virtual memorial service para kay dating DSWD Sec. Dinky Soliman
Pinayagan ng korte si Senator Leila De Lima na dumalo sa gaganaping virtual memorial service para sa yumaong si dating DSWD Sec. Dinky Soliman.
Sa inilabas na kautusan ng Muntinlupa City Regional Trial Court Branch 256, inaprubahan ang very urgent motion ni de Lima para sa “E-Furlough”.
Batay sa mosyon ni De Lima nais niyang makadalo sa virtual memorial service na gaganapin alas 6:00 ng gabi hanggang alas 9:00 ng gabi ngayong Huwebes (Sept. 23) sa pamamagitan ng Zoom.
Nais din ni De Lima na makapagbigay siya ng eulogy para kay Soliman.
Gayunman, pinayagan lamang siya ng korte na dumalo virtually pero hindi siya pwedeng magbigay ng eulogy.
Malinaw din sa utos ng korte na hindi siya pwedeng magbigay ng anumang komento at panayam sa media.
Inatasan ng korte ang jail warden ng Custodial Service Unit na tiyaking makasusunod si De Lima sa kautusan. (DDC)