DepEd umapela ng tulong sa mga magulang para masawata ang “Online Kopyahan”
Humingi ng tulong sa mga magulang ang Department of Education (DepEd) para mahinto ang “Oplan Kopyahan”.
Ayon sa DepEd bago pa man magkaroon ng pandemya ng COVID-19 ay malaking hamon na sa education system ang pagkokopyahan o pandaraya.
Ayon sa DepEd mariing kinokondena ng kagarawan ang anumang uri ng academic dishonesty.
Kamakailan, sinabi ng DepEd mayroong mga sagot sa self-learning modules (SLMs) na ini-upload sa Facebook groups.
Sinabi ng DepEd na ginagawa na nila ang lahat upang mahinto ang ganitong uri ng pandaraya.
Hiningi na rin nila ang tulong ng social media companies para mai-ban ang mga ganitong uri ng groups.
Apela ng DepEd sa mga magulang, gruo at mag-aaral tulungan silang masawata ang online cheating dahil hindi ito makatutulong sa development ng values at morality ng mga kabataan. (DDC)