Mahigit 19 million na katao fully-vaccinated na kontra COVID-19

Mahigit 19 million na katao fully-vaccinated na kontra COVID-19

Umabot na sa mahigit 19 million ang fully-vaccinated na laban sa COVID-19.

Batay sa datos ng National Task Force Against COVID-19, hanggang September 23, 2021 ay umabot na sa 42,131,771 na ang total vaccine administered sa bansa.

Sa nasabing bilang, 23,107,813 ang nabakunahan na ng first dose at 19,023,958 sa kanila ang fully-vaccinated na.

Kabilang sa mga itinuturing na fully-vaccinated ang mga tumanggap ng single dose na bakuna ng Janssen.

Ayon kay NTF Against COVID19 chief implementer at Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., ang average daily administered doses ng COVID-19 sa nakalipas na pitong araw ay 401,213.

Sinabi ni Galvez na mayroon sa ngayong 2,226 na active vaccination sites sa buong bansa. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *