Face shield required na lang gamitin sa “3Cs” ayon kay Pangulong Duterte

Face shield required na lang gamitin sa “3Cs” ayon kay Pangulong Duterte

Mas pinagaan ng pamahalaan ang regulasyon nito sa pagsusuot ng face shield.

Sa kaniyang Talk to the People sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang face shield ay required na lamang gamitin sa “3Cs” o close, crowded, at close-contact.

Kapag nasa labas ay hindi na aniya required na magsuot ng face shield.

Paliwanag ng pangulo, gagamitin lamang ang face shield kapag nasa closed facility gaya ng ospital, crowded room, at kapag ang indibidwal ay close-contact ng COVID patient.

Iniutos na din ni Pangulong Duterte ang pagpapalabas ng guidelines hinggil dito sa lalong madaling panahon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *