196 pang bagong kaso ng COVID-19 naitala sa PNP
Nakapagtala ang Philippine National Police ng 196 pang bagong kaso ng COVID-19.
Sa datos na inilabas ng PNP Health Service, umabot na sa 38,788 ang total number of cases ng COVID-19 sa PNP.
Sa nasabing bilang, 36,383 ang gumaling na makaraang makapagtala ng dagdag na 149 na recoveries.
Nasa 2,291 naman pa ang aktibong kaso.
Habang 114 naman ang kabuuang bilang ng mga nasawi. (DDC)