206 pang bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Eastern Visayas
Nakapagtala ng dagdag na 206 pang bagong kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.
Sa inilabas na datos ng Eastern Visayas – Center for Health and Development araw ng Miyerkules – September 22, sumampa na sa 46,332 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
Sa nasabing bilang, 2,288 ang active cases at 43,559 naman ang gumaling.
485 naman ang kabuuang bilang ng mga pumanaw.
Ang 206 na bagong kaso na nadagdag at mula sa sumusunod na mga lalawigan at lungsod:
Southern Leyte (63)
Tacloban City (25)
Samar (21)
Leyte (18)
Ormoc City (14)
Biliran (2)
Pawang nasa “high” ang average daily attack rate sa Leyte, Southern Leyte at Biliran.
Habang nasa “medium” naman ang ang average daily attack rate sa Tacloban City, Ormoc City, Samar at Northern Samar. (DDC)