Davao police nag-donate ng computer sets sa tatlong paaralan at dalawang barangay sa lalawigan
Tatlong paaralan at dalawang barangay sa Davao Oriental ang tumanggap ng computer sets mla sa mga tauhan ng Davao Oriental Police.
Ang dinasyong computer sets ay mula sa mga tauhan ng Revitalized-Pulis sa Barangay Cluster 4, 2nd Davao Oriental Provincial Mobile Force Company, at Banaybanay Municipal Police Station.
Kabilang sa nakatanggap ng computer sets ay ang Mahayag Elementary School, Ireneo Donguila Elementary School, at San Roque Elementary School.
Habang tumanggap din ng donasyong computer sets ang Barangays Mahayag at Panikian.
Gagamitin ang mga computer ng mga health workers at iba pang opisyal ng barangay.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar malaking tulong ang donasyon sa mga paaralan na nangangailangan ng computer sa gitna ng ipinapatupad na distance learning scheme.
Matutulungan din aniya nito ang mga opisyal sa barangay upang mas magawa pa nila ng maayos ang kanilang tungkulin, lalo na sa aspeto ng peace and order sa kanilang lugar. (DDC)