Active cases ng COVID-19 sa Batanes umabot na sa 156

Active cases ng COVID-19 sa Batanes umabot na sa 156

Nadagdagan pa ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Batanes.

Batay sa update na inilabas ng Batanes COVID19 Task Group, may naitalang 34 na bagong RT-PCR Positive o Rapid Antigen Positive.

Ayon sa pahayag ng Provincial Government, batay sa DOH Memorandum No. 2021-0252, lahat ng magpopositibo sa Rapid Antigen Test sa mga Geographically Isolated and Disadvantaged Area gaya ng Batanes, ang mga nag-positibo ay maituturing nang “Confirmed COVID-19 case”.

Nakapagtala na ngayon ng 173 na total confirmed cases ng COVID-19 sa lalawigan.

Sa nasabing bilang, 156 ang aktibong kaso at 17 naman ang gumaling na.

Wala pa namang naitatalang nasawi sa Batanes dahil sa COVID-19.

Pinakamaraming aktibong kaso ay sa Basco na mayroong 109 active cases.

Sumunod naman ang Uyugan na mayroong 16 active cases. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *