23 senador naghain ng panukalang batas para mapalawig ang voter registration
Dalawampu’t tatlong senador ang naghian ng panukalang batas sa Senado na naglalayong palawigin pa ang voter registration para sa 2022 national and local elections.
Nais ng mga senador na gawing October 31, 2021 ang deadline para sa pagpaparehistro.
Ang Senate Bill 2408 ay inihain sa plenaryo ng Senado na sinuportahan ng lahat ng senador maliban lamang kay Senator Koko Pimentel III.
Ayon sa mga Senador, ang deadline na September 30, 2021 ay itinakda bago pa magkaroon ng pandemya ng COVID-19 sa bansa.
Dahil sa pandemya at dahil sa mga pinairal na quarantine restrictions, nasuspinde ng ilang ulit ang voter registration sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ayon sa mga Senador, ang Comelec ay mayroong kapangyarihan na baguhin ang petsa ng deadline ng voter registration.
Kabilang sa mga konsiderasyon sa pagpapalawig ng voter registration ay ang pagkakaroon public health emergency.
Ayon kay Senate President Tito Sotto III, tiniyak din sa kanila ni House Speaker Lord Allan Velasco na susuportahan ang panukala sa Mababang Kapulungan. (DDC)