Approval ni PRRD, first step pa lamang sa limited face-to-face classes ayon kay Sen. Imee Marcos

Approval ni PRRD, first step pa lamang sa limited face-to-face classes ayon kay Sen. Imee Marcos

Binigyang-diin ni Senadora Imee Marcos na unang hakbang pa lamang ng limited face-to-face classes ang ang approval ni Pangulong Rodrigo Duterte sa rekomendasyon ng Department of Education.

Sinabi ng mambabatas na mahaba pa ang proseso bago tuluyang maipatupad ang limitadong physical classes.

Hindi pa anya plantsado ang lahat para makapagsimula agad ang pilot testing ng face-to-face classes at malamang paisa-isa at hindi sabay-sabay ang pagbukas ng 120 paaralang tinitingnan ngayon ng DepEd.

Ipinaliwanag ng mambabatas na kinakailangan pang sumang-ayon ng mga lokal na pamahalaan sa mga paaralan na lalahok sa pilot testing.

Ang lahat ng mga magulang kailangan din hingan ng permiso dahil hindi compulsory o pipilitin ang mga magulang, kailangan pang masiguro ng bawat paaralan kung ilang estudyante talaga ang lalahok, aayusin pa ang scheduling ng mga klase, at ang bagong paglatag ng mga classroom.

Iginoit ng senadora na ang importante ay makabalik na ang mga bata sa pinakamainam na kapaligiran para sa kanilang pag-aaral kung saan may tamang pamamaraan ng pagtuturo, disiplina, at interaksyon habang kailangan din ng mga magulang at guro na mabalanse ang kanilang mga buhay sa trabaho at sa tahanan. (Dang Garcia)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *