Pagkakaroon ng limitadong face-to-face classes sa Pilipinas, welcome development sa UN at UNICEF

Pagkakaroon ng limitadong face-to-face classes sa Pilipinas, welcome development sa UN at UNICEF

Ikinatuwa ng United Nations, UNICEF at World Health Organization ang pasya ng pamahalaan na magkaroon ng dry run para sa limitadong face-to-face classes.

Ayon sa pahayag ng UNICEF Philippines bawat bata ay may karapatan sa edukasyon ang mga paaralan ang sentro ng development, safety at well-being ng mga bata.

Pero ayon sa UNICEF, sa pagbubukas ng small scale face-to-face classes, dapat tiyakin ang kahalagahan ng public health, pagpapatupad ng safety measures gaya ng pagsusuot ng face masks, hand washing, physical distancing at good ventilation.

Ito ay para masiguro ang kaligtasan ng mga bata at mga guro.

Pinapurihan di ng UNICEF ang DepEd at ang DOH sa ginagawang paghahanda para sa pilot run ng face-to-face classes.

Tiniyak din ng UNICEF ang patuloy nitong pakikipagtulungan sa pamahalaan at susuporta sa ligtas na in-person learning sa mga mapipiling paaralan.

Noong September 17, 2021 ay naglabas ng datos ang UNICEF at sinabing sa buong mundo, tanging ang Pilipinas at Venezuela na lamang ang hindi pa nagbubukas ng mga paaralan simula nang magkaroon ng pandemya.

Ang Pilipinas din ang nakapagtala ng longest school breaks sa buong mundo nang mahinto ang klase noong March 2020 hanggang October 2020. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *