WATCH: PNP-ACG pinakikilos kontra “Online Kopyahan”
Pinakikilos ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar ang kanilang Anti-Cybercrime Group (ACG) laban sa napaulat na “Online Kopyahan”.
Partikular na iniutos ni Eleazar sa PNP-ACG na makipag-ugnayan sa Department of Education (DepEd).
Ginawa ni Eleazar ang pahayag matapos ialahad ni DepEd Sec. Leonor Briones na hihingi sila ng tulong sa mga otoridad para maimbestigahan ang insidente.
Batay sa inisyal na ulat na nakarating sa PNP, kumalat ang screenshots ng isang Facebook group kung saan ang mga estudyante ay nagbabahaginan ng sagot sa kanilang pagsusulit.
Ayon kay Briones, anumang uri ng kopyahan o pandaraya ay hindi kukunsintihin ng ahensya. (DDC)