85 pang bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Eastern Visayas
Nakapagtala ng dagdag na 85 pang bagong kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.
Sa inilabas na datos ng Eastern Visayas – Center for Health and Development araw ng Martes – September 21, sumampa na sa 46,126 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
Sa nasabing bilang, 2,266 ang active cases at 43,375 naman ang gumaling.
485 naman ang kabuuang bilang ng mga pumanaw.
Ang 85 na bagong kaso na nadagdag at mula sa sumusunod na mga lalawigan at lungsod:
Leyte (29)
Samar (20)
Southern Leyte (14)
Ormoc City (13)
Tacloban City (7)
Northern Samar (1)
Biliran (1)
Pawang nasa “high” ang average daily attack rate sa Southern Leyte at Biliran.
Habang nasa “medium” naman ang ang average daily attack rate sa Tacloban City, Ormoc City, Leyte, Samar at Northern Samar. (DDC)