LOOK: Disenyo ng PNR Clark Phase 2 ipinakita ng DOTr
Ipinasilip ng Department of Transportation (DOTr) ang magiging disenyo sa PNR Clark Phase 2.
Ang konstruksyon ng nasabing proyekto ay kasalukuyang nasa 32% na ang overall progress rate.
Ayon kay DOTr Sec. Arthur Tugade, sa sandaling matapos ang PNR Clark Phase 2 ay mapapaiksi sa 30 hanggang 35 minutes na lamang ang biyahe mula Malolos, Bulacan hanggang Clark, Pampanga.
Bahagi ng proyekto ang kauna-unahang Airport Railway Express Service sa bansa na magkukunekta sa Makati at Clark International Airport sa loob lamang ng 55 minutes mula sa kasalukuyang biyahe na 2 hanggang 3 oras.
Ang PNR Clark 2 ay magkakaroon ng anim na istasyon.
Kabilang dito ang Calumpit, Apalit, San Fernando, Angeles, Clark, at Clark International Airport.