Valderrama, Antique niyanig ng magnitude 4.3 na lindol
Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang lalawigan ng Antique.
Naitala ang pagyanig sa layong 4 kilometers northwest ng Valderrama alas 3:10 ng madaling araw ng Martes, Sept. 21.
15 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.
Naitala ang Intensity III sa Valderrama, Antique.
Hindi naman ito nagdulot ng pinsala at aftershocks. (DDC)