Frontliners sa Caloocan City tumanggap ng libreng flu vaccine

Frontliners sa Caloocan City tumanggap ng libreng flu vaccine

Mahigit 1,300 frontliners ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan ang nabakunahan na ng libreng flu vaccine at nabigyan ng libreng vitamins.

Ayon kay Caloocan City Human Resource And Management Department head Ms. Lorilei Del Carmen, nasa 300 ang nadagdag ngayong Lunes sa listahan ng 1,000 kawaning natapos nang mabakunahan noong nakaraang Linggo.

Sa ilalim ng programa, lahat ng kawani o nasa mahigit 5,000 empleyado ng lokal na pamahalaan ang magiging benepisyaryo nito. Kasama sa mga unang babakunahan o bibigyan prayoridad ay ang mga empleyado na kabilang sa health care services, emergency response, peace and order, at environmental sanitation.

Una nang sinabi ni Mayor Oca Malapitan na layunin ng inisyatibong ito na mapalakas ang immune system ng mga frontliner ng lokal na pamahalaan ngayong panahon ng pandemya, higit na ang mga senior citizen, may comorbidity, pati na rin ang mga madalas sumabak sa field works.

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *