Lucena PNP nagsagawa ng Livelihood Training Program

Lucena PNP nagsagawa ng Livelihood Training Program

Nagtungo kamakailan ang Lucena PNP sa Barangay Gulang-Gulang sa pangunguna ni PSSg. Ana Paral sa ilalim parin ng pangangasiwa ni Lucena PNP Chief PLt. Col. Romulo Albacea upang doon ay ihatid ang kanilang livelihood training program.

Nakilahok din sa naturang pagsasanay ang ilang mga kababaihan sa naturang barangay gayundin ang ilang miyembro ng Guardians kung saan ay kanilang natutunan ang paggawa ng dishwashing liquid na siyang isa sa madaling pamamaraan ngayon upang kumita.

SA ginawang pagsasanay ay inilahad nito ang bawat hakbangin at proseso ng paggawa ng dishwashing liquid.

Gayundin ay nagkaroon ng pagkakataon ang mga nakilahok na makiisa sa mismong aktwal na paggawa nito mula parin sa gabay ng kapulisan.

Naging posible naman ang isinagawang livelihood training ng kapulisan dahil na rin sa pakikipagkoordinasyon nito sa Pamahalaang Pambarangay sa pamumuno ni Kapitan Narfil ‘King’ Abrencillo na siyang agarang tumugon sa pagsasakatuparan ng naturang livelihood training program.

Labis naman ang naging pasasalamat ng Punong Barangay dahil sa dalang programa na ito ng kapulisan na siyang tiyak na magbibigay na dagdag pagkakakitaan sa mga nakilahok dito.

Ang livelihood training program ng Lucena PNP ay isa sa mga programang pang-komunidad ng kapulisan na naglalayon na magbigay serbisyo at agapay sa mga mamamayan ng Lungsod gayundin upang mapatibay ang koordinasyon nito sa komunidad. (Jay-Ar Narit)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *