LPA sa bahagi ng Palawan magpapaulan sa MIMAROPA at Western Visayas
Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang Low Pressure Area (LPA) na nasa loob ng bansa.
Huling namataan ang LPA sa coastal waters ng Dumaran, Palawan.
Nakapaloob pa rin ito sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ) na nakaaapekto sa Southern Luzon, Visayas, at Mindanao.
Dahil sa LPA at ITCZ, ang rehiyon ng MIMAROPA at Western Visayas ay makararanas ngayong araw ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms.
Ang Metro Manila naman at nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may isolated na pag-ulan at thunderstorms. (DDC)