Dry run para sa limitadong face-to-face classes inaprubahan ni Pangulong Duterte
Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakaroon ng dry-run para sa limited face-to-face classes.
Inanunsyo ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa kaniyang virtual briefing.
Target ng Department of Education (DepEd) na maumpisaha ang dry run sa 100 public schools sa mga lugar na low-risk sa COVID-19.
Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, magiging masusi ang pagpaplano at paglalatag ng sistema sa ipatutupad na face-to-face.
Malaking pagbabago aniya ang ipatutupad kumpara sa face-to-face classes noong wala pang pandemya ng COVID-19.
Sa guidelines na ibinahagi nng DepEd, ang participating schools para sa pilot implementation ay 100 public schools sa mga lugar na minimal risk at kailangang nakapasa sila sa “readiness assessment”.
Maari ding magdagdag ng 20 pribadong paaralan salig sa joint validation ng DepEd at DOH.
Hanggang 12 learners ang papayagang pumasok sa kindergarten, 16 na learners para sa Grades 1 to 3 at 20 learners para sa Senior High School.
Hanggang tatlong oras lamang dapat ang ilalagi sa paaralan ng mga estudyante mula Kinder to Grade 3 at hanggang 4 hours naman sa mga Senior High School.
Ang monitoring at evaluation sa ipatutupad na dry run ay tatagalng dalawang buwan. (DDC)