Mahigit 2 milyong doses ng Pfizer COVID-19 vaccine dumating sa bansa

Mahigit 2 milyong doses ng Pfizer COVID-19 vaccine dumating sa bansa

Dumating sa bansa ang dagdag na mahigit dalawang milyong doses ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine.

Dumating sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport ang 2,020,590 doses ng Pfizer vaccines 11:50 ng gabi ng Linggo, Sept. 20.

Ang nasabing mga bakuna ay donasyon ng US sa Pilipinas sa pamamagitan ng COVAX facility.

Sinalubong ni National Task Force against COVID-19 chief implementer at vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr. ang mga bagong dating na bakuna.

Sumalubong din si US Embassy ChargĂ© d’Affaires Heather Variava, at W.H.O. Representative in the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe.

Sa pahayag tiniyak ni Abeyasinghe na magpapatuloy ang COVAX facility sa pagpapadala ng Pfizer vaccines sa Pilipinas sa susunod na mga araw.

Aniya, sa susunod na linggo o dalawang linggo ay mayroong 10 million doses pa ng Pfizer vaccines ang darating sa bansa.

Sinabi naman ni Galvez na nagpapasalamat si Pangulong Duterte sa COVAX at sa US government sa pagkakaloob ng bakuna.

Malaking tulong aniya ang mga bakunang bigay ng US kabilang ang mga naunang Moderna at J&J vaccines.

Ang mga bagong dating na bakuna ay dadalhin sa Regions 4-A, 3, 6, 7, 11, 9, 1, at 2. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *