Operasyon ng Consular Office ng DFA sa SM Manila suspendido; pitong staff nagpositibo sa COVID-19
Suspendido pansamantala ang operasyon ng consular office ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa SM City Manila.
Ito ay makaraang magpositibo sa COVID-19 ang pitong staff ng opisina.
Sa abiso ng DFA, ang suspensyon ay mula ngayong araw, September 20 hanggang bukas, September 21.
Sasailalim sa quarantine at isolation ang mga nagpositibong staff, gayundin ang mga naging close contacts nila.
Sa loob ng dalawang araw na suspensyon ng operasyon ay magsasagawa ng disinfection sa tanggapan.
Ang mga apektadong aplikante ay makatatanggap ng email para sa alternatibong passport appointment nila.
Maari din silang tumawag sa numerong (02) 8536-9995 at 0920-503-7256, o kaya naman ay magpadala ng mensahe sa sumusunod na email addresses:
Email: http://ncrwest.so@dfa.gov.ph, dfancrwest@gmail.com
For Passport Processing Concerns: dfancrwest.passport@gmail.com
For Authentication Processing Concerns: dfancrwest.authentication@gmail.com
For Passport/Apostille Releasing Concerns: dfancrwest.releasing@gmail.com (DDC)