267 pang bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Eastern Visayas
Nakapagtala ng dagdag na 267 pang bagong kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.
Sa inilabas na datos ng Eastern Visayas – Center for Health and Development araw ng Linggo – September 19, sumampa na sa 45,915 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
Sa nasabing bilang, 2,423 ang active cases at 43,007 naman ang gumaling.
485 naman ang kabuuang bilang ng mga pumanaw.
Ang 267 na bagong kaso na nadagdag at mula sa sumusunod na mga lalawigan at lungsod:
Leyte (101)
Southern Leyte (58)
Biliran (50)
Tacloban City (17)
Samar (13)
Ormoc City (12)
Northern Samar (12)
Eastern Samar (4)
Pawang nasa “high” ang average daily attack rate sa Tacloban City, Ormoc City, Leyte, Southern Leyte at Biliran.
Habang nasa “medium” naman ang ang average daily attack rate sa Samar at Northern Samar. (DDC)