190,000 doses ng Sputnik V vaccines dumating sa bansa

190,000 doses ng Sputnik V vaccines dumating sa bansa

Matapos ilang ulit na maantala ay dumating na sa bansa ang 190,000 doses ng Sputnik V COVID-19 vaccines.

Ang nasabing mga bakuna ay para sa second dose ng mga naunang nabakunahan nito.

Ayon sa National Task Force Against COVID-19 ang delay ay dahil sa production issues na naranasan ng manufacturer ng bakuna sa Russia.

Sinabi ni NTF Chief Implementer Sec. Carlito G. Galvez, dadalhin ang mga bagong dating na bakuna sa Bohol, Isabela, Bacoor City sa Cavite, Metro Manila at ilang bahagi ng Regions 3 at 4A.

Patuloy naman ang koordinasyon ng NTF sa Russian Government upang makabili ng mas maraming Sputnik Light vaccines na one-shot lamang. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *