Dating DSWD Sec. Dinky Soliman pumanaw sa edad na 68

Dating DSWD Sec. Dinky Soliman pumanaw sa edad na 68

Pumanaw na si dating Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Dinky Soliman.

Sa pahayag ng kaniyang pamilya, pumanaw si Soliman alas 7:32 ng umaga ng Linggo, September 19 dahil sa komlikasyon sa renal at heart failure.

Si Soliman ay dinapuan ng COVID-19 noong buwan ng Agosto pero naka-recover ito.

Dalawang beses nanilbihan bilang DSWD secretary si Soliman sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at dating Pangulong Noynoy Aquino.

Sa kaniyang pamumuno nagsimula ang 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program na hanggang sa ngayon ay pinakikinabangan ng mahihirap na pamilya. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *