Mahigit 800 gagamba galing Poland nakumpiska ng Customs

Mahigit 800 gagamba galing Poland nakumpiska ng Customs

Nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) ang mga kargamento na naglalaman ng mahigit 800 mga gagampa galing Poland.

Ayon sa BOC, ang tatlong air postal parcels ay nasa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa PAsay City at idineklarang naglalaman ng mga figurine at gamot.

Pero nang isailalim sa physical examination, nakita ang 809 na sipderlings at 17 adult spiders na pawang nasa loob ng small plastic vials na ibinalot sa foil na mayroong bulak.

Batay sa rekord naka-consign ang mga kargamento sa ilang residente na may address sa Pasay City, ParaƱaque City at Batangas.

Dinala na ang mga spiderlings at adult spiders sa Department of Environment and Natural Resources Wildlife Traffic Monitoring Unit (DENR WTMU).

Nagsagawa din ng seizure and forfeiture proceedings sa mga kargamento sa bunsod ng paglabag sa Section 1113 in relation to Section 117 at RA 9147.

Nagsasagawa na din ang DENR ng case building sa posibleng pagsasampa ng reklamo sa importer ng kargamento dahil sa paglabag sa RA 9147. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *