Pamamahagi ng ECQ cash assistance sa NCR natapos na ayon sa DILG

Pamamahagi ng ECQ cash assistance sa NCR natapos na ayon sa DILG

Natapos na ng mga lokal na pamahalaan ang pamamahahagi ng “ECQ ayuda” sa kanilang mga residente.

Ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG), one hundred percent na ng P11.226-billion na ayuda ang naipamigay na sa mga kwalipikadong beneficiaries na naapektuhan ng pag-iral ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay DILG Secretary Eduardo M. Año, mahigit 11.2-million na eligible recipients ang nakatangap ng ‘ayuda’ na P1,000 bawat indibidual o hindi lalagpas ng P4,000 kada pamilya.

Pinasalamatan naman ni Año ang mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila sa mabilis na proseso ng ‘ayuda’ distribution.

Kabilang sa mga agad na nakatapos ng distribusyon ay ang Maynila, Caloocan, Pasig, Malabon, Navotas, at Quezon City.

Ayon kay Año, dahil sa ilang beses nang nakapamahagi ng ayuda, na-memorize na ng mga LGUs ang sistema kaya mas mabilis na nakarating sa sa mga kababayan ang tulong pinansyal noong ECQ.

Kasunod ng pamamahagi ng ECQ, magsasagawa naman ng masusing liquidation at accounting ang mga LGU sa mga ipinamahagi nitong ayuda.

Kailangan ding makapagsumite ng Fund Utilization Report ng mga LGU sa Department of Budget and Management (DBM) at sa Commission on Audit (COA).

Kung mayroon namang unexpended balance, kailangan itong ibalik sa national government gaya na lamang ng sa Makati City na mayroong isasauli na P29,402,000.

Sa report ng Makati City LGU, nabigyan na ng ayuda ang lahat ng 488,017 eligible beneficiaries. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *