436 pang bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Eastern Visayas
Nakapagtala ng dagdag na 436 pang bagong kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.
Sa inilabas na datos ng Eastern Visayas – Center for Health and Development araw ng Biyernes – September 16, sumampa na sa 45,388 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
Sa nasabing bilang, 2,322 ang active cases at 42,581 naman ang gumaling.
485 naman ang kabuuang bilang ng mga pumanaw.
Ang 436 na bagong kaso na nadagdag at mula sa sumusunod na mga lalawigan at lungsod:
Leyte (173)
Samar (70)
Southern Leyte (52)
Ormoc City (48)
Tacloban City (45)
Biliran (28)
Northern Samar (16)
Eastern Samar (4)
Pawang nasa “high” ang average daily attack rate sa Tacloban City, Ormoc City, Leyte, Southern Leyte at Biliran.
Habang nasa “medium” naman ang ang average daily attack rate sa Samar at Northern Samar. (DDC)