Gordon kay Duterte: You are a CHEAP politician!
Sinagot ni Senator Richard Gordon ang mga patutsada sa kaniya ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Tinawag ni Gordon na “cheap politician” si Duterte sa kaniyang opening statement sa pagpapatuloy ng Senate Blue Ribbon Committee hearing, hinggil sa umano ay overpriced medical supplies na binili ng pamahalaan sa kasagsagan ng pandemya.
Pinuna ni Gordon ang pagtatanggol ng pangulo kina dating presidential adviser Michael Yang at dating Budget Undersecretary Lloyd Christopher Lao.
Nagmimistula aniyang abogado ng dalawa si Pangulong Duterte at hindi na umaaktong pangulo ng bansa.
Paalala ni Gordon sa pangulo, kailangang malaman ang katotohanan kaya dapat hayaan ni Duterte na matapos ang imbestigasyon. (DDC)