Grupo ng mga negosyante nagpakita ng suporta kay Mayor Isko Moreno para sa 2022 presidential elections

Grupo ng mga negosyante nagpakita ng suporta kay Mayor Isko Moreno para sa 2022 presidential elections

Nagtipun-tipon ang ilang grupo ng mga negosyante sa bahagi ng Bonifacio Shrine malapit sa Manila City Hall.

Ito ay upang ipakita ang kanilang suporta kay Manila Mayor Isko Moreno sakaling magpasya itong tumakbo sa mas mataas na posisyon ng gobyerno.

Partikular na nagsagawa ng programa ay ang Young Entrepreneurs Supporting 1SKO (YES 1SKO) kung saan hinihimok nila ang alkalde na kumandidato na bilang Presidente ng Pilipinas sa darating na 2022 national elections.

Suot ang mga YES 1SKO” T-shirts at bitbit ang mga placards na may nakalagay ng pagpapakita ng suporta, muling iginiit ng nasabing grupo na naniniwala sila na malaki ang maitutulong ni Mayor Isko sakaling maging pinuno ito ng ating bansa.

Ayon Kay ALLI GARANGAN II – convenor, Young Entrepreneurs Supporting 1SKO (YES 1SKO)
Sapat na ang karanasan sa pamumuno ni Yorme kung saan nakikita naman ang resulta lalo na sa pag-unlad ng lungsod ng Maynila at pangangalaga sa mga residente nito.

Kabilang dito ay ang paglilinis sa mga kalye, pagsugpo sa korapsyon at pagpapa-unlad ng kabuhayan ng bawat ManileƱo.

Bukod dito, si Mayor Isko lang din aniya ang nagpakita ng malasakit pang-unawa sa ilang mga nawalan ng trabaho at mga naapektuhan negosyo sa gitna ng COVID-19 pandemic kung saan taong-bayan rin ang kaniyang inuuna.

Ayon pa sa grupo ng mga negosyante, si Mayor Isko lamang din ang kanilang nakikitang makakatulong sa muling pagbangon ng bansa sa pagharap sa sitwasyon ng COVID-19, pagsugpo sa korapsyon at kriminalidad sa bansa.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *