Biyahe ng LRT-2 sa Antipolo hanggang Santolan station nagka-aberya
Nagka-aberya ang biyahe ng LRT-2 sa Antipolo hanggang Santolan station.
Sa inilabas na abiso ng Light Rail Transit Authority (LRTA), alas 9:45 ng umaga ng Biyernes (Sept. 17) inihinto ang biyahe ng mga tren sa mula Antipolo to Santolan.
Ito ay dahil sa depektibong catenary wire sa Line 2 East Extension Area.
Nagtalaga na lamang ng shuttle train service mula Antipolo para maihatid ang mga pasahero patungong Santolan station.
Tuluy-tuloy naman ang operasyon ng mga tren mula Santolan to Recto at vice versa. (DDC)