Dalawang cargo vessel nagkaproblema sa karagatang sakop ng Lobo, Batangas; 45 crew nailigtas
Rumesponde ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa dalawang maritime incident sangkot cargo vessels na MV Seaborne Cargo 5 at MV Seaborne Cargo 6 sa karagatang sakop ng Barangay Masaguitsit, Lobo, Batangas.
Ayon sa PCG, sumadsad sa baybayin ang MV Seaborne Cargo 5 habang nakaranas naman ng engine trouble ang MV Seaborne Cargo 6.
Galing ng Manila at patungo ng Iloilo ang MV Seaborne Cargo 6 na may lulang 140 containers ng assorted goods.
Habang naglalayag ay nagkaproblema ang makina nito sa bahagi ng Verde Island.
Humingi ng tulong ang kapitan ng barko sa sister vessel nito na MV Seaborne Cargo 5 na nasa biyahe naman galing Bohol at patungong Manila.
Ang Seaborne Cargo 5 ay may lulan namang 1,620 na ulo ng baboy at 113 na ulo ng baka.
Habang hinihia ng MV Seaborne Cargo 5 ang MV Seaborne Cargo 6 ay sumadsad ito sa mababaw na bahagi ng dagat.
Ayon sa PCG, ligtas naman ang 22 crew members ng MV Seaborne Cargo 5 gayundin ang 23 crew members ng MV Seaborne Cargo 6.
Negatibo din ang resulta ng oil spill assessment na isinagawa ng mga PCG diver.
Pinayuhan ng PCG ang mga kapitan at shipowner ng dalawang barko na regular na i-check ang kanilang enhines.
Inatasan din silang maghain ng marine protest sa PCG Station Batangas at kumuha ng accredited salvor para magsagawa ng salvage operations. (DDC)