Pagpapatupad ng liquor ban binawi na sa Maynila
Sa ilalim ng pag-iral ng Alert Level 4 sa Metro Manila ay binawi na na ang pagpapatupad ng liquor ban sa lungsod ng Maynila..
Batay sa Executive Order No. 29 na nilagdaan ni Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso lifted na ang liquor ban sa lungsod epektibo araw ng Huwebes, September 16, 2021.
Dahil dito ang mga business establishments sa Lungsod ay maari nang makapagbenta ng liquor products.
Ani Domagoso ginawa ang pasya matapos ang konsultasyon ng local government sa mga kinatawan ng business sector.
“After consultation, the city finds no imperativeness to impose a liquor ban for now,” nakasaad sa EO.
Paalala naman ng pamahalaang lungsod, sa ilalim ng Alert Level 4 ay umiiral ang curfew sa Metro Manila mula alas 10:00 ng gabi hanggang alas 4:00 ng umaga. (DDC)