Panibagong LPA namataan ng PAGASA sa bahagi ng Eastern Samar
Isang Low Pressure Area (LPA) ang namataan ng PAGASA sa bahagi ng Eastern Samar.
Ayon sa PAGASA ang LPA ay huling namataan sa layong 135 kilometers East Northeast ng Guiuan, Eastern Samar.
Nakapaloob ito sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ) na nakakaapekto sa Palawan, Visayas at Mindanao.
Sa weather forecast ng PAGASA, ngayong araw ng Huwebes, Sept. 16 ay makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan sa Visayas, Mindanao, at Bicol Region dahil sa ITCZ at LPA.
ITCZ at localized thunderstorms naman ang iiral sa Metro Manila at nalalabi bahagi ng bansa. (DDC)