26.3 million na mag-aaral nakapagpatala na para sa School Year 2021-2022 ayon sa DepEd
Umabot na sa mahigit 26.3 million na mga mag-aaral ang nakapagpatala na o enrolled na para sa School Year 2021-2022.
Batay sa datos ng Department of Education (DepEd) hanggang ngayong araw ng Miyerkules, Setyembre 15, 2021, umabot na sa kabuuang bilang na 23,308,875 ang mga nakapagpatalang mag-aaral na papasok sa Kindergarten hanggang Grade 12 sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa.
Sa nasabing bilang, mahigit 20 million ang nag-enroll sa mga pampublikong paaralan at mahigit 1.6 naman ang nag-enroll sa mga pribadong paaralan.
Mayroon ding nagpatala na mahigit 53,292 sa mga State Universities and Colleges (SUCs) at Local Universities and Colleges (LUCs).
Pinakamaraming nakapagpatala nang estudyante ay sa Region 4-A na umabot na sa mahigit 3.4 million.
Kasunod ang Central Luzon o Region III na mayroong mahigit 2.5 million enrollees at ang National Capital Region (NCR) na mayroong mahigit 2.4 million enrollees.
Ayon sa DepEd sa mga mayroong katanungan tungkol sa enrollment maaring tumawag sa Public Assistance and Action Center sa sumusunod na mga numero:
Smart: 09194560027
Globe: 09959218461
Landline:
0286361663
0286331942
0286387529
0286387530
0286387531
0286359871
0286340222
0286388641 (DDC)