Isla sa bahagi ng Cardona, Rizal pinuntahan ng Red Cross para mabakunahan ang mga residente
Nagtungo ang mga tauhan ng Philippine Red Cross (PRC) sa isang isla sa Cardona, Rizal upang mabakunahan ang mga residente nito kontra COVID-19.
Para mapuntahan ang Talim, Island ay kailangang sumakay ng bangka.
Ang mga bangka sa isla ay bumibiyahe lamang sa pagitan ng alas 8:00 ng umaga at alas 3:00 ng hapon at ang pamasahe para sa two-trip ay P100 kada isang tao.
Kabilang sa mga binakunahan kontra COVID-19 ay ang mga priority groups sa isla gaya ng senior citizen at persons with comorbidities. (DDC)