88 pang bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Eastern Visayas

88 pang bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Eastern Visayas

Nakapagtala ng dagdag na 88 pang bagong kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.

Sa inilabas na datos ng Eastern Visayas – Center for Health and Development araw ng Martes – September 14, sumampa na sa 44,328 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

Sa nasabing bilang, 1,986 ang active cases at 41,857 naman ang gumaling.

485 naman ang kabuuang bilang ng mga pumanaw.

Ang 88 na bagong kaso na nadagdag at mula sa sumusunod na mga lalawigan at lungsod:

Leyte (33)
Tacloban City (17)
Samar (16)
Ormoc City (12)
Southern Leyte (7)
Eastern Samar (2)
Biliran (1)

Nakataas na sa “high” ang average daily attack rate sa Tacloban City, Ormoc City, Southern Leyte at Biliran.

Pawang nasa “medium” naman ang ang average daily attack rate sa Leyte, Samar at Northern Samar. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *