NCR sasailalim sa Alert Level 4 simula Sept. 16; Empleyado ng mga restaurant at iba pang establisyimento dapat fully-vaccinated
Sasailalim sa Alert level 4 ang Metro Manila simula sa Huwebes, September 16.
Bahagi ito ng pilot implementation ng Alert Levels System for COVID-19 sa NCR.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque batay sa inaprubahang guidelines ng Inter Agency Task Force (IATF), sa ilalim ng Alert Level 4 papayagan ang 30 percent capacity para sa outdoor o al fresco dine-in para sa mga bakunado at hindi bakunadong customers.
Habang 10 percent naman ang papayagan sa indoor dine-in pero kailangang fully-vaccinated ang customers customers na papasok sa loob.
Sa pagpapairal nito, sinabi ni Roque na dapat ay fully-vaccinated laban sa COVID-19 ang lahat ng empleyado ng mga establisyimento.
Papayagan na din na magbukas ang mga nasa personal care services pero kailangang fully-vaccinated din ang lahat ng kanilang empleyado.
Papayagan ang 30 percent capacity sa outdoor sa mga barbershops, hair spa, nail spa at beauty salon anuman ang vaccination status ng customer.
Habang papayagan ang 10 percent indoor capacity kung fully vaccinated ang customer.
Pwede na ring magpapasok sa mga simbahan at iba pang religious gatherings pero dapat ay fully-vaccinated ang mga pari, pastor, rabbis, imams, at iba pang religious ministers at assistants at staff.
Pwede ang 30 percent sa labas ng simbahan anuman ang vaccination status ng dadalo sa pagtitipon.
Papayagan naman ang 10 percent indoor capacity pero ang mga fully-vaccinated lamang ang pwedeng pumasok. (DDC)