LOOK: Bahagi ng ginagawang Binondo–Intramuros Bridge ipinasilip ng DPWH
Ipinasilip ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang nagpapatuloy na konstruksyon ng Binondo–Intramuros Bridge.
Ayon kay Public Works Sec. Mark Villar, ang Binondo–Intramuros Bridge ay bahagi ng Build, Build, Build project ng pamahalaan.
Target na matapos ang ginagawang tuloy sa susunod na taon.
Sa sandaling makumpleto na, ang tulay ang magdudugtong sa San Fernando Street sa Binondo at ang Solana Street at Riverside Drive sa Intramuros.
Tinatayang aabot sa 30,000 na sasakyan kada araw ang makikinabang sa tulay.
Mababawasan din ang bilang ng mga sasakyan na dumadaan sa Jones, Delpan, at MacArthur Bridges. (DDC)