367 na Pinoy galing Lebanon, Syria at Bahrain dumating sa bansa
Nakauwi na sa bansa ang 367 na distressed at undocumented Filipinos galing ng Lebanon, Syria, at Bahrain.
Lulan sila ng sweeper flights na inasikaso ng Office of the Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Dahil dito ayon sa DFA umabot na sa 420,205 ang total number ng repatriated Filipinos simula nang mag-umpisa ang pandemya ng COVID-19.
Kasama sa mga nakauwing Pinoy ang limang biktima ng human trafficking faling ng Syria.
Ilegal silang dinala sa Syria gamit ang tourista visa.
Dumanas ng pang-aabuso ang mga biktima mula sa kanilang employers.
Lahat ng dumating na sa pasahero ay nag-negatibo sa COVID-19 bago ang kanilang biyahe.
Sasailalim din sila sa facility-based quarantine.
Ayon sa DFA, sa September 16 ay darating sa bansa ang isa pang chartered flight galing naman ng Dubai, UAE. (DDC)