Mahigit 20,000 na bagong kaso ng COVID-19 naitala ng DOH
Nakapagtala ng mahigit 20,000 pang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Lunes, Sept. 13 ay umabot na sa 2,248,071 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa magdamag, umabot sa 20,745 ang dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 2,032,471 ang gumaling o katumbas ng 90.4 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 22,290 na gumaling.
180,745 naman ang active cases o katumbas ng 8.0 percent.
Nasa 35,307 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.57 percent makaraang makapagtala ng dagdag na 163 pang nasawi. (DDC)