2 million doses pa ng COVID-19 vaccine ng Sinovac dumating sa bansa
Dumating sa bansa ang dagdag na 2 milyong doses ng COVID-19 vaccine ng Sinovac.
Ang nasabing mga bakuna ay bahagi ng Sinovac vaccines na binili ng pamahalaan.
Ayon sa National Task Forces Against COVID19, sa pagdating ng bagong batch ng Sinovac vaccines, umabot na sa 33 million doses ng bakuna ng Sinovac sa bansa.
Sa nasabing bilang, 31 million ang binili ng pamahalaan.
Noong nakaraang Biyernes (Sept. 10) ay mayroon ding dumating na 1.5 million doses ng Sinovac.
Ayon kay NTF Against COVID-19 chief implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., ang mga bagong dating na bakuna ay dadalhin sa mga rehiyon na itinuturing na high-risk areas. (DDC)