24.6 million na mga mag-aaral balik-klase ngayong araw
Pormal nang nagbukas ang klase para sa School Year 2021-2022 ngayong araw ng Lunes, September 13.
Nagdaos ng virtual ceremony ang Department of Education (DepEd) para sa pormal na pagbubukas ng klase.
Ayon kay DepEd Sec. Leonor Briones, 24,603,822 million na mag-aaral ang balik-klase ngayong araw.
Inaasahang madaragdagan pa ito dahil sa late enrollment.
Sa idinaos na seremonya ay nagbigay ng update ang DepEd central directors sa mga ginagawang paghahanda ng mga paaralan at mga field offices para sa pagbubukas ng klase.
Ayon sa DepEd ang pagbubukas ng SY 2021-2022 ay nagpapakita ng tagumpay na pagbabayanihan para sa isang ligtas na balik-eskwela ng mga mag-aaral, guro, pati na rin ang ating iba pang education stakeholders. (DDC)