John Arcilla wagi bilang Best Actor sa 2021 Venice Festival

John Arcilla wagi bilang Best Actor sa 2021 Venice Festival

Nagwagi ang aktor na si John Arcilla bilang Best Actor sa idinaos na 78th annual Venice International Film Festival.

Ito ay para sa naging pagganap ni Arcilla sa pelikulang On the Job: The Missing 8.

Ang naturang 2013 thriller film ay sa direksyon ni Erik Matti.

Sa pamamagitan ng video nagbigay ng pahayag si Arcilla matapos manalo sa seremonya.

Ang co-star niya sa pelikula na si Dennis Trillo ang dumalo sa festival at ibinahagi sa kaniyang Instagram ang speech ni Arcilla.

Si Matti naman ang tumanggap ng award ni Arcilla.

Sa nasabing pelikula, gumanap si Arcilla bilang journalist. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *