Bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa Quezon City 131,000 na
Nagkaroon pa ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.
Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 145,392 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng sakit sa lungsod hanggang 8:00 ng umaga ng Linggo, Sept. 12.
Samantala, nasa 13,018 o katumbas ng 8.95 percent ang itinuturing na aktibong kaso ng sakit.
131,000 o 90.1 percent naman ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod.
Habang 1,374 o 0.95 percent ang nasawi. (DDC)