PNP tutulong na sa information campaign sa vaccination program ng pamahalaan
Sa gitna ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa, tutulong ang Philippine National Police (PNP) sa pagpapalaganap ng impormasyon at sa kampanya kaugnay sa pagbabakuna.
Inatasan ni PNP Chief, Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar ang lahat ng chief of police na tumulong sa information dissemination campaign sa vaccination program gayundin sa alituntunin sa pagpapatupad ng alert level system at granular lockdown.
Ani Eleazar tutulong ang mga pulis sa pagbibigay impormasyon sa publiko sa kahalagahan ng pagpapabakuna.
Kasabay nito, inatasan din ni Eleazar ang National Capital Region Police Office na paigtingin ang information campaign sa pagpapatupad ng bagong alert level system at granular lockdown.
Ito ay para masigurong hindi malilito ang publiko at magiging maayos ang implementasyon nito. (DDC)
Start embed at