Jose Abad Santos, Davao Occidental niyanig ng magnitude 4.5 na lindol
Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.
Naitala ng Phivolcs ang epicenter ng lindol sa layong 113 kilometers southeast ng Jose Abad Santos, alas 4:14 ng madaling araw ng Linggo, September 12.
May lalim na 5 kilometers ang pagyanig at tectonic ang origin.
Hindi naman ito nagdulot ng pinsala at hindi rin nagdulot ng aftershocks. (DDC)