Typhoon Kiko nakalabas na ng bansa; Habagat magpapaulan pa rin sa malaking bahagi ng Luzon
Lumabas na ng bansa ang Typhoon Kiko.
Sa 5PM weather bulletin ng PAGASA, ang sentro ng bagyo ay huling namataan sa layong 525 kilometers North ng Itbayat, Batanes.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 165 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 205 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 25 kilometers bawat oras.
Lifted na ang lahat ng tropical cyclone warning wind signal na itinaas ng PAGASA dahil sa nasabing bagyo.
Sa kabila ng paglabas ng bansa, patuloy na palalakasin ng bagyo ang Habagat na magpapaulan sa Batanes, Babuyan Islands, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, at sa western section ng Central Luzon sa susunod na 24 na oras.
Kabilang din sa makararanas ng pag-ulan dulot ng Habagat ang Metro Manila, CALABARZON, at MIMAROPA. (DDC)