IATF nagpalabas na ng guidelines para sa pilot implementation ng Alert Levels System sa NCR
Inilabas na ng Inter Agency Task Force ang alituntunin para sa Pilot Implementation ng Alert Levels System for COVID-19 Response sa Metro Manila.
Sa ilalim ng Alert Levels System may kani-kaniyang age restrictions at mobility sa bawat Alert Level.
Depende din sa taas ng Alert Level ang papayagan na pagbubukas ng mga establisyemento at mga ahensya ng gobyerno.
Sa ilalim ng Alert 1, papayagan ang paglabas, pagbiyahe ng mga residente. Pero pwedeng magpalabas ng restrictions ang LGUs.
Papayagan din ang pagbubukas ng mga establisyimento basta’t naipatutupad ang minimum public health standard.
Full capacity din ang mga ahensya ng gobyerno.
Sa ilalim ng alert level 2 at alert level 3, papayagan din ang movement ng mga tao pero pwedeng magpatupad ng restrictions ang LGUs base sa edad at sa mga may comorbidities.
Minimal naman ang on-site capacity na papayagan sa mga establisyimento, at magpapatupad ng work from home o flexible work arrangements sa ilalim ng Alert Level 2 to 4.
At least 5o percent on-site capacity sa mga ahensya ng gobyerno sa ilalim ng Alert Level 2 at 30 percent sa ilalim ng Alert Level 3.
Sa ilalim ng Alert Level 4, hindi pwedeng lumabas ang mga edad na mas mababa sa 18 at mas mataas sa 65.
Bawal ding lumabas ang may mga comorbidities at mga buntis.
At least 2o percent on-site capacity sa naman sa mga ahensya ng gobyerno. (DDC)