14 patay, 7 pa ang nawawala sa pananalasa ng bagyong Jolina

14 patay, 7 pa ang nawawala sa pananalasa ng bagyong Jolina

Labingapat ang naitalang nasawi habang pito pa ang nawawala sa pananalasa ng bagyong Jolina sa bansa.

Sa inilabas na report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NCRRMC) alas 8:00 ng umaga ng Biyernes, Sept. 10, makapagtala din ng dalawampung nasugatan.

Umabot naman sa mahigit 109,000 na katao o mahigit 28,000 na pamilya ang naapektuhan ng bagyo.

Ito ay mula sa mga rehiyon ng Central Luzon, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Eastern Visayas, Soccsksargen, at Metro Manila.

Ayon sa NDRRMC, mayroon pang mahigit 9,700 na katao o mahigit 2,500 na pamilya na nananatili sa mga evacuation centers. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *