DILG-NCR kinilala ang performance ng Anti-Drug Council ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila
Binigyang pagkilala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang performance ng Anti-Drug Council ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila.
Ayon kay Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso, kinilala ng DILG-NCR ang Manila Anti-Drug Council (MADAC) sa mga accomplishment nito sa mga programa kontra ilegal na droga.
Kabilang ang lungsod ng Maynila sa 2021 Anti-Drug Council (ADAC) Performance Audit sa ilalim ng Highly Urbanized City (HUC) category.
Nakasentro ang audit sa naging performance ng MADAC para sa taong 2020.
Batay sa resulta ng audit ang Manila City LGU ay nakakuha ng score na 85/100 para sa anti-drug efforts nito.
Sa liham na ipinadala kay Moreno pinapurihan ni DILG-NCR regional director Maria Lourdes L. Agustin binanggit nito ang mga bagong ideya na ipinatupad sa anti-illegal drug programs ng pamahalaang lungsod.
“Patuloy po nating susundin ang due process sa ating pagpapatupad sa ating mga programang kontra droga,” Domagoso stated. “Hulihin po natin ang mga lumalabag sa batas na ito. Iharap natin sila sa hukuman para mabigyan ng parusa na naaayon rin sa batas. We respect the rights of people but we will also not tolerate any wrongdoing in Manila. Kapag may lumalabag sa batas, tiyak na huhulihin natin sila.” ayon kay Moreno. (DDC)